August 13th, 2008
kilapsaw
KILAPSAW
At tulad ng maraming di-akalain, umibig ang bato sa palad, pag-ibig na sang-iglap napaangkin sa kuyom ng limang daliri bago ito ipukol sa tubig; kaya't ang kilapsaw--pangwakas na kalatas hinggil sa alindog ng daigdig ng liwanag--ang umaalong piglas ng lunggati bago lumubog at bumulusok sa malamig na pusod ng orihinal na panglaw